Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 20:26-29 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 20:26-29 in Ang Dating Biblia (1905)

26 Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik.
27 Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
28 Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob.
29 Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.
Mga Kawikaan 20 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 20:26-29 in Banal na Bibliya

26 Ang marunong na hari ay inihihiwalay ang masama, at pagkatapos sinasagasaan ng panggiik na kariton sa ibabaw nila.
27 Ang espiritu ng isang tao ay ang ilawan ni Yahweh, hinahanap ang lahat ng kaniyang kaloob-loobang mga bahagi.
28 Ang tipan ng katapatan at pagtitiwala ay nangangalaga sa hari; ang kaniyang trono ay iniingatan sa pamamagitan ng pag-ibig.
29 Ang dangal ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karangyaan ng matatanda ay ang kanilang mga uban.
Mga Kawikaan 20 in Banal na Bibliya