Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 20:14-29 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 20:14-29 in Ang Dating Biblia (1905)

14 Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga.
15 May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.
16 Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala.
17 Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.
18 Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka.
19 Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
20 Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman.
21 Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain.
22 Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.
23 Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.
24 Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?
25 Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, banal nga, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata.
26 Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik.
27 Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
28 Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob.
29 Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.
Mga Kawikaan 20 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 20:14-29 in Banal na Bibliya

14 '“Masama! Masama!” sabi ng mga bumibili, pero kapag umalis siya, siya ay nagmamayabang.
15 Mayroong ginto at kasaganaan sa mamahaling mga bato, ngunit ang mga labi ng kaalaman ay isang mamahaling hiyas.
16 Ang sinumang nagbibigay ng kasiguruhan para sa utang ng iba, kuhanan mo ng damit bilang sangla.
17 Ang tinapay na nakamit sa pamamagitan ng panlilinlang ay matamis sa panlasa, ngunit pagkatapos ang kaniyang bibig ay mapupuno ng graba.
18 Ang mga plano ay pinagtitibay sa pamamagitan ng payo, at sa marunong na patnubay lamang ay dapat kang makipaglaban.
19 Ang tsismis ay nagbubunyag ng mga lihim, at kaya hindi ka dapat makisama sa mga taong nagsasalita ng sobra.
20 Kapag isinusumpa ng isang tao ang kaniyang ama o kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa kalagitnaan ng kadiliman.
21 Ang isang mana na madaling nakamit sa simula ay gagawa ng mas kaunting kabutihan sa bandang huli.
22 Huwag sabihing, “Gagantihan kita para sa pagkakamaling ito!” Hintayin si Yahweh at siya ang sasagip sa iyo.
23 Kinamumuhian ni Yahweh ang mga hindi parehas na timbang, at ang hindi tapat na mga timbangan ay hindi mabuti.
24 Ang mga hakbang ng isang tao ay pinapatnubayan ni Yahweh; paano niya mauunawaan ang kaniyang paraan kung gayon?
25 Isang patibong para sa isang tao ang pagsasabi nang padalus-dalos, “Ang bagay na ito ay banal,” at iniisip lamang ang kahulugan pagkatapos niyang masabi ang kaniyang panata.
26 Ang marunong na hari ay inihihiwalay ang masama, at pagkatapos sinasagasaan ng panggiik na kariton sa ibabaw nila.
27 Ang espiritu ng isang tao ay ang ilawan ni Yahweh, hinahanap ang lahat ng kaniyang kaloob-loobang mga bahagi.
28 Ang tipan ng katapatan at pagtitiwala ay nangangalaga sa hari; ang kaniyang trono ay iniingatan sa pamamagitan ng pag-ibig.
29 Ang dangal ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karangyaan ng matatanda ay ang kanilang mga uban.
Mga Kawikaan 20 in Banal na Bibliya