Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 1:8-11 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 1:8-11 in Ang Dating Biblia (1905)

8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
9 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
10 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
11 Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
Mga Kawikaan 1 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 1:8-11 in Banal na Bibliya

8 Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
9 ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
10 Aking anak, kung sinusubukan kang udyukan ng mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, tumangging sumunod sa kanila.
11 Kung kanilang sasabihin na, “Sumama ka sa amin, tayo ay mag-abang upang makagawa ng pagpatay, tayo ay magtago at sugurin ang mga walang malay na mga tao ng walang kadahilanan.
Mga Kawikaan 1 in Banal na Bibliya