Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 1:6-10 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 1:6-10 in Ang Dating Biblia (1905)

6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
9 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
10 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
Mga Kawikaan 1 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 1:6-10 in Banal na Bibliya

6 para maunawaan ang mga kawikaan, mga kasabihan, at mga salita ng matatalinong tao at kanilang mga palaisipan.
7 Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman - ang mga hangal ay kinamumuhian ang karunungan at disiplina.
8 Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
9 ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
10 Aking anak, kung sinusubukan kang udyukan ng mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, tumangging sumunod sa kanila.
Mga Kawikaan 1 in Banal na Bibliya