14 Makipagsapalaran ka sa amin, tayo ay magkakaroon ng iisang lalagyanan.”
15 Aking anak, huwag kang maglalakad sa daanang iyon kasama nila; huwag mong hayaang dumampi ang iyong paa kung saan sila naglalakad;
16 ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan at sila ay nagmamadali para sa pagdanak ng dugo.
17 Sapagkat walang saysay na ikalat ang lambat upang bumitag ng isang ibon habang nanonood ang ibon.
18 Ang mga lalaking ito ay nag-aabang para patayin ang kanilang mga sarili - sila ay naglagay ng bitag para sa kanilang mga sarili.
19 Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
20 Umiiyak ng malakas sa lansangan ang karunungan, kaniyang nilalakasan ang kaniyang boses sa isang liwasang-bayan,
21 sa gitna ng maingay na lansangan siya ay umiyak, sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan siya ay nagsalita.
22 “Kayong mga walang karunungan, Gaano katagal ninyo mamahalin ang inyong hindi naiintindihan? Kayong mga nangungutya, gaano kayo katagal magalak sa pangungutya at kayong mga hangal, gaano kayo katagal mamumuhi sa kaalaman?
23 Bigyang pansin ang aking paninita; ibubuhos ko ang aking saloobin sa inyo, ipapaalam ko ang salita ko sa inyo.
24 Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
25 Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.