Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 19:17-19 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 19:17-19 in Ang Dating Biblia (1905)

17 Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
18 Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
19 Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
Mga Kawikaan 19 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 19:17-19 in Banal na Bibliya

17 Ang sinumang mabait sa mahihirap ay nagpapahiram kay Yahweh, at babayaran siya ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa.
18 Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa, at huwag mong patatagin ang iyong kagustuhan na ilagay siya sa kamatayan.
19 Ang taong mainitin ang ulo ay dapat magbayad kung siya ay iyong sinagip, gagawin mo ito ulit sa pangalawang pagkakataon.
Mga Kawikaan 19 in Banal na Bibliya