Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 16:1-10 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 16:1-10 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon.
2 Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa.
3 Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag.
4 Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan.
5 Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan.
6 Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.
7 Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.
8 Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.
9 Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.
10 Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan.
Mga Kawikaan 16 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 16:1-10 in Banal na Bibliya

1 Ang mga balak ng puso ay pag-aari ng isang tao, ngunit mula kay Yahweh ang sagot mula sa kaniyang dila.
2 Lahat ng pamamaraan ng isang tao ay dalisay sa kaniyang sariling paningin, pero tinitimbang ni Yahweh ang mga kalooban.
3 Ipagkatiwala mo ang iyong mga gawain kay Yahweh at magtatagumpay ang mga balak mo.
4 Ginawa ni Yahweh ang lahat ng bagay ukol sa kaniyang layunin, maging ang mga masama para sa araw ng kaguluhan.
5 Kinamumuhian ni Yahweh ang bawat isa na may mapagmataas na puso, kahit na tumayo pa sila nang magkahawak, hindi sila maliligtas sa kaparusahan.
6 Sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan at pagtitiwala ang pagkakasala ay nabayaran at sa pamamagitan ng takot kay Yahweh, tinatalikuran ng mga tao ang kasamaan.
7 Kapag ang pamamaraan ng isang tao ay kalugod-lugod kay Yahweh, ginagawa niya kahit na ang mga kaaway nito ay makipagbati sa kaniya.
8 Mabuti pa ang may kakaunti nang nasa tama, kaysa sa malaking kita na may kaakibat na kawalan ng katarungan.
9 Sa kaniyang puso, ang isang tao ay nagpaplano ng kaniyang landas, pero si Yahweh ang nagtuturo ng kaniyang mga hakbang.
10 Ang isang pahayag na may karunungan ay nasa labi ng isang hari, sa paghahatol ang kaniyang bibig ay hindi nagsasalita nang may panlilinlang.
Mga Kawikaan 16 in Banal na Bibliya