Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 14:11-14 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 14:11-14 in Ang Dating Biblia (1905)

11 Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
12 May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
13 Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
14 Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti.
Mga Kawikaan 14 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 14:11-14 in Banal na Bibliya

11 Ang bahay ng mga taong masama ay wawasakin, ngunit ang tolda ng taong matuwid ay sasagana.
12 Mayroong isang landas na tila tama sa isang tao, ngunit ang dulo nito ay naghahatid lamang sa kamatayan.
13 Ang puso ay maaaring tumawa ngunit nananatiling nasasaktan, at ang kagalakan ay maaaring magtapos sa kapighatian.
14 Ang hindi tapat ay makukuha kung ano ang karapat-dapat sa kaniyang pamumuhay, ngunit ang taong mabuti ay makukuha kung ano ang kaniya.
Mga Kawikaan 14 in Banal na Bibliya