Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 13:19-22 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 13:19-22 in Ang Dating Biblia (1905)

19 Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.
20 Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
21 Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.
22 Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
Mga Kawikaan 13 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 13:19-22 in Banal na Bibliya

19 Ang pananabik na nakamit ay matamis sa gana ng panlasa, pero ang mangmang ay nasusuklam na tumalikod mula sa masama.
20 Lumakad kasama ang mga matatalinong tao at ikaw ay magiging matalino, pero ang kasamahan ng mga mangmang ay magdurusa ng kapamahakan.
21 Sakuna ang humahabol sa mga makasalanan, pero silang mga gumagawa ng tama ay gagantimpalaan ng kabutihan.
22 Nag-iiwan ng mana para sa kaniyang mga apo ang taong mabuti, pero ang kayamanan ng makasalanan ay inipon para sa gumagawa ng matuwid.
Mga Kawikaan 13 in Banal na Bibliya