Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 11:10-16 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 11:10-16 in Ang Dating Biblia (1905)

10 Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11 Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
12 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13 Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
14 Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
15 Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay.
16 Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
Mga Kawikaan 11 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 11:10-16 in Banal na Bibliya

10 Kapag ang mga gumagawa ng tama ay sumasagana, ang isang lungsod ay nagdiriwang; kapag ang masama ay namatay; ay may mga sigaw ng kagalakan.
11 Sa pamamagitan ng mabubuting mga kaloob ng mga nakalulugod sa Diyos, ang lungsod ay magiging tanyag; sa bibig ng mga masasama, ang lungsod ay mawawasak.
12 Ang taong may paghamak sa kaniyang kaibigan ay walang ulirat, pero ang isang may pang-unawa ay tumatahimik.
13 Sinumang tao na patuloy na naninirang puri ay nagbubunyag ng mga lihim, ngunit ang isang taong tapat ay laging iniingatang pagtakpan ang isang bagay.
14 Kung saan walang matalinong direksiyon, ang isang bansa ay bumabagsak, pero ang tagumpay ay dumarating sa pagsangguni sa maraming tagapayo.
15 Sinumang mananagot sa utang ng isang hindi niya kilala ay tiyak na mapapahamak, pero ang isa na siyang kinapopootang magbigay ng isang garantiya sa ganiyang uri ng pangako ay ligtas.
16 Makakamit ng isang mahabaging babae ang karangalan ngunit ang mga taong walang habag ay mahigpit na kakapit para sa kayamanan.
Mga Kawikaan 11 in Banal na Bibliya