16 Ang kabayaran ng mga gumagawa ng tama ay patungo sa buhay; ang pakinabang ng masama ay patungo sa kasalanan.
17 Doon ay may isang daan sa buhay para sa isang sumusunod sa disiplina, ngunit ang tumatanggi sa pagpuna ay inaagos sa pagkaligaw.
18 Ang sinumang magtago ng pagkagalit ay may mga sinungaling na labi, at sinumang magkalat ng paninirang puri ay isang hangal.
19 Kung maraming salita, pagkakasala ay hindi nagkukulang, ngunit ang siyang nag-iingat sa kaniyang sasabihin ay isang matalino
20 Ang dila na siyang gumagawa nang matuwid ay purong pilak; ito ay may maliit na halaga sa puso ng masama.
21 Ang mga labi ng isa na gumagawa ng tama ay nagpapalusog ng marami, ngunit ang mga mangmang ay mamamatay dahil sa kakulangan ng kanilang pang-unawa.
22 Ang mga mabuting kaloob ni Yahweh ay nagdadala ng kayamanan at hindi ito nagdagdag ng sakit.
23 Ang kasamaan ay laro ng isang hangal, ngunit ang karunungan ay isang kasiyahan para sa isang tao ng may pang-unawa.
24 Ang takot ng masama ay sasaklawan siya, ngunit ang pagnanais ng isang matuwid ay ibibigay.
25 Ang masama ay tulad ng isang bagyo na dumadaan, at sila ay wala na, ngunit silang gumagawa ng tama ay isang pundasyon na magtatagal kailanman.
26 Tulad ng suka sa ngipin at usok sa mata, ganoon din ang batugan na nagpadala sa kaniya.
27 Ang takot kay Yahweh nagpapahaba ng buhay, ngunit ang mga taon ng masama ay mapapaiksi.