Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Hukom 21:8-12 in Tagalog

Help us?

Mga Hukom 21:8-12 in Ang Dating Biblia (1905)

8 At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan.
9 Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon.
10 At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata.
11 At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake.
12 At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan.
Mga Hukom 21 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Hukom 21:8-12 in Banal na Bibliya

8 Sinabi nila, “Alin sa mga lipi ng Israel ang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa?” Nakitang wala ni isa ang pumunta sa kapulungan mula sa Jabes Galaad.
9 Dahil nang binilang ng mga tao sa isang maayos na paraan, masdan ninyo, wala sa mga naninirahan sa Jabes Galaad ang naroon.
10 Nagpadala ang kapulungan ng 12, 000 sa kanilang pinakamatatapang na tauhan at inutusang magtungo sa Jabes Galaad at salakayin at patayin sila, kahit ang mga kababaihan at mga bata.
11 “Gawin ito: Dapat ninyong patayin ang bawat lalaki at bawat babaeng nakipagsiping sa isang lalaki.”
12 Nakita ng mga kalalakihan ang apat na daang kababaihan na naninirahan sa Jabes Galaad na hindi pa nasipingan ng isang lalaki, at dinala sila sa kampo ng Silo, sa Canaan.
Mga Hukom 21 in Banal na Bibliya