Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Hukom 16:4-6 in Tagalog

Help us?

Mga Hukom 16:4-6 in Ang Dating Biblia (1905)

4 At nangyari pagkatapos, na siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala'y Dalila.
5 At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa't isa sa amin ng isang libo't isang daang putol na pilak.
6 At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.
Mga Hukom 16 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Hukom 16:4-6 in Banal na Bibliya

4 Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah.
5 Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1, 100 piraso ng pilak”
6 At sinabi ni Delilah kay Samson, “Pakiusap, sabihin mo sa akin kung bakit napakalakas mo, at kung papaano ka matatalian ng sinuman, para mapigilan ka?”
Mga Hukom 16 in Banal na Bibliya