Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Hukom 15:8-11 in Tagalog

Help us?

Mga Hukom 15:8-11 in Ang Dating Biblia (1905)

8 At sinaktan niya sila, sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay: at siya'y bumaba at tumahan sa isang guwang ng bato ng Etam.
9 Nang magkagayo'y nagsisampa ang mga Filisteo, at humantong sa Juda, at nagsikalat sa Lehi.
10 At sinabi ng mga lalake sa Juda, Bakit kayo nagsisampa laban sa amin? At kanilang sinabi, Upang gapusin si Samson kung kaya't kami ay nagsisampa upang gawin sa kaniya ang gaya ng ginawa niya sa amin.
11 Nang magkagayo'y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin? ano nga itong ginawa mo sa amin? At sinabi niya sa kanila, Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila.
Mga Hukom 15 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Hukom 15:8-11 in Banal na Bibliya

8 Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam.
9 Pagkatapos umakyat ang mga Palestina at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa Juda at nagtalaga ng kanilang mga hukbo sa Lehi.
10 Sinabi ng mga kalalakihan ng Juda, “Bakit kayo umakyat para salakayin kami?” Sinabi nila, “Sasalakay kami para mabihag si Samson, at gawin sa kaniya ang ginawa niya sa amin.”
11 Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?” Ano itong ginawa mo sa amin?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila.”
Mga Hukom 15 in Banal na Bibliya