Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 24:4-8 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 24:4-8 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita.
5 Sapagka't nangasumpungan namin ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno:
6 Na kaniya rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli:
7 Datapuwa't dumating ang pangulong pinunong si Lysias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay.
8 Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.
Mga Gawa 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 24:4-8 in Banal na Bibliya

4 Kaya hindi ko na kayo gagambalain pa, hinihiling ko sa inyo na makinig ng sandali sa akin ng may kagandahang loob.
5 Dahil natuklasan namin na ang taong ito ay nanggugulo at dahilan ng paghihimagsik ng lahat ng mga Judio sa buong mundo. Siya ang pinuno ng sektang Nazareno.
6 Sinubukan pa niyang lapastanganin ang templo; kaya namin siya hinuli. (At gusto pa namin siyang hatulan ayon sa aming batas.)
7 (“Ngunit si Lisias na opisyal ay dumating at sapilitan siyang kinuha sa aming mga kamay.”)
8 Kung tatanungin ninyo si Pablo tungkol sa lahat ng mga bagay na ito, maging ikaw din, malalaman mo ang mga paratang namin sa kaniya.”
Mga Gawa 24 in Banal na Bibliya