Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 18:24-25 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 18:24-25 in Ang Dating Biblia (1905)

24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.
25 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:
Mga Gawa 18 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 18:24-25 in Banal na Bibliya

24 Ngayon, may isang Judio na nagngangalang Apollos na ipinanganak sa Alexandria, ang nagpunta sa Efeso. Mahusay siyang mangusap at bihasa sa mga kasulatan.
25 Naturuan si Apollos sa mga katuruan ng Panginoon. Sa pagiging maalab sa espiritu, nagsalita siya at nagturo nang wasto tungkol sa mga bagay ukol kay Jesus, ngunit tungkol lamang sa baustismo ni Juan ang kaniyang nalalaman.
Mga Gawa 18 in Banal na Bibliya