Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 17:22-25 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 17:22-25 in Ang Dating Biblia (1905)

22 At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi, Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso.
23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.
24 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
Mga Gawa 17 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 17:22-25 in Banal na Bibliya

22 Kaya tumayo si Pablo sa kalagitnaan ng Aeropago at nagsabi, “Kayong mga taga-Atenas, nakita ko na kayo ay napakarelihiyoso sa lahat ng paraan.
23 Sapagkat sa aking pagdaraan at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba, natagpuan ko ang isang altar na may naka-ukit na ganito, “SA DIYOS NA HINDI NAKIKILALA”. Ang sinasamba ninyo na hindi nakikilala ang aking ipinapahayag sa inyo.
24 Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay.
25 Hindi rin siya pinagsilbihan ng mga kamay ng tao, na para bang kailangan niya ang anuman, dahil siya mismo ang nagbigay ng buhay sa tao at hininga at lahat ng iba pang mga bagay.
Mga Gawa 17 in Banal na Bibliya