Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 16:31-37 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 16:31-37 in Ang Dating Biblia (1905)

31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
34 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
35 Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan.
36 At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa.
37 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan.
Mga Gawa 16 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 16:31-37 in Banal na Bibliya

31 Sinabi nila sa kaniya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan.”
32 Ipinahayag nila ang salita ng Panginoon sa kaniya, kasama ang lahat sa kaniyang tahanan.
33 Nang gabing iyon kinuha sila ng bantay ng bilanguan sa oras ding iyon at hinugasan ang kanilang mga sugat at siya at ang lahat ng kaniyang sambahayan ay agad na nabautismuhan.
34 Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
35 Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, “Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon.”
36 Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, “Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan.”
37 Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila, “Hayagan nila kaming hinampas, mga Romano kaming hindi nahatulan at pinatapon kami sa bilangguan; at ngayo'y palalayain kami ng lihim? Hindi maaari; hayaan ninyo sila mismo ang pumarito at dalhin tayo palabas.”
Mga Gawa 16 in Banal na Bibliya