Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 16:20-22 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 16:20-22 in Ang Dating Biblia (1905)

20 At nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibhasa'y mga Judio, ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan,
21 At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo'y Romano.
22 At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at ipinapalo sila ng mga panghampas.
Mga Gawa 16 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 16:20-22 in Banal na Bibliya

20 Nang dinala sila sa mga hukom, sinabi nilang, “Judio ang mga taong ito at sila ay gumagawa ng maraming kaguluhan sa ating lungsod.
21 Nagtuturo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa ating batas upang tanggapin o gawin bilang mga Romano.”
22 At nagkaisa ang napakaraming tao laban kina Pablo at Silas; Pinunit ng mga hukom ang kanilang mga damit at nag-utos na hampasin sila ng pamalo.
Mga Gawa 16 in Banal na Bibliya