Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 15:8-10 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 15:8-10 in Ang Dating Biblia (1905)

8 At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo sa kanila, na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;
9 At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.
10 Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios, na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala?
Mga Gawa 15 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 15:8-10 in Banal na Bibliya

8 Ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila, ibinibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, katulad ng ginawa niya sa atin;
9 at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya.
10 Ngayon bakit ninyo sinusubukan ang Diyos, na dapat kayong maglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ama o maging tayo man ay hindi kayang makadala?
Mga Gawa 15 in Banal na Bibliya