Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 14:8-10 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 14:8-10 in Ang Dating Biblia (1905)

8 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
9 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya upang mapagaling,
10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. At siya'y lumukso at lumakad.
Mga Gawa 14 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 14:8-10 in Banal na Bibliya

8 Sa Listra may isang lalaking nakaupo sa kaniyang mga paa na walang lakas, isang lumpo mula pa noong nasa sinapupunan ng kaniyang ina, na hindi kailanman nakapaglakad.
9 Narinig ng taong ito si Pablo na nagsasalita. Itinuon ni Pablo ang kaniyang mga mata sa kaniya at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang gumaling.
10 Kaya sinabi niya sa kaniya ng malakas ang boses, ''Tumayo ka.” tumalon ang lalaki at lumakad.
Mga Gawa 14 in Banal na Bibliya