Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 12:21-25 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 12:21-25 in Ang Dating Biblia (1905)

21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.
22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.
23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
24 Datapuwa't lumago ang salita ng Dios at dumami.
25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos.
Mga Gawa 12 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 12:21-25 in Banal na Bibliya

21 Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.
22 Sumigaw ang mga tao, “Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao!”
23 Kaagad siyang hinampas ng isang anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos; kinain siya ng mga uod at namatay.
24 Ngunit lumago at lumaganap ang salita ng Diyos.
25 Nang matapos nina Bernabe at Saul ang kanilang misyon sa Jerusalem, bumalik sila mula doon; isinama nila si Juan na ang huling pangalan ay Marcos.
Mga Gawa 12 in Banal na Bibliya