16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.
17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?
18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi, Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin; Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
19 Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala: At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
22 Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto; Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na toro.
23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob, Ni panghuhula laban sa Israel: Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel, Anong ginawa ng Dios!
24 Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay.
25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.
26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?