Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Bilang 20:24-26 in Tagalog

Help us?

Mga Bilang 20:24-26 in Ang Dating Biblia (1905)

24 Si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba.
25 Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor.
26 At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak: at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan, at doon siya mamamatay.
Mga Bilang 20 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Bilang 20:24-26 in Banal na Bibliya

24 “Dapat maitipon si Aaron sa kaniyang mga tao, sapagkat hindi siya papasok sa lupain na ibinibigay ko sa mga tao ng Israel. Ito ay dahil lumabag kayong dalawa sa aking salita sa mga tubig ng Meribah.
25 Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak na lalaki at dalhin mo sila sa Bundok Hor.
26 Alisin mo kay Aaron ang mga kasuotang pangpari at isuot ito kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Dapat mamatay si Aaron at mmaitipon sa kaniyang mga tao doon.”
Mga Bilang 20 in Banal na Bibliya