Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Bilang 19:17-19 in Tagalog

Help us?

Mga Bilang 19:17-19 in Ang Dating Biblia (1905)

17 At sa taong marumi, ay kukuha sila ng mga abo sa sunog niyang handog dahil sa kasalanan, sa mga yaon ay ilalagay ang tubig na buhay sa isang sisidlan.
18 At isang malinis na tao ay kukuha ng isopo, at itutubog sa tubig at iwiwisik sa tolda at sa lahat ng kasangkapan, at sa mga taong nandoon, at sa humipo ng buto, o ng bangkay, o ng patay, o ng libingan:
19 At iwiwisik ng taong malinis sa marumi sa ikatlong araw, at sa ikapitong araw: at lilinisin niya siya sa ikapitong araw; at siya'y maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo sa tubig at magiging malinis sa hapon.
Mga Bilang 19 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Bilang 19:17-19 in Banal na Bibliya

17 Gawin ninyo ito sa taong marumi: Kumuha kayo ng kaunting abo mula sa sinunog na handog para sa kasalanan at ihalo ang mga ito sa isang banga na may sariwang tubig.
18 Dapat kumuha ang isang taong malinis ng isopo, isawsaw ito sa tubig at iwisik ito sa tolda, sa lahat ng lalagyang nasa loob ng tolda, sa mga taong naroon, at sa isang taong humipo sa buto, sa pinatay na tao, sa namatay na tao, o sa puntod.
19 Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, dapat wisikan ng taong malinis ang taong marumi. Dapat maglinis ng kaniyang sarili ang taong marumi sa ikapitong araw. Dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. At sa gabi ay magiging malinis siya.
Mga Bilang 19 in Banal na Bibliya