Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 99:1-3 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 99:1-3 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal.
Mga Awit 99 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 99:1-3 in Banal na Bibliya

1 Naghahari si Yahweh; hayaang manginig ang mga bansa. Siya ay nakaluklok sa itaas ng mga kerubin; ang daigdig ay yumayanig.
2 Si Yahweh ay dakila sa Sion; itinataas siya sa lahat ng mga bansa.
3 Hayaan mong purihin nila ang iyong dakila at kahanga-hangang pangalan; siya ay banal.
Mga Awit 99 in Banal na Bibliya