Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 94:10-13 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 94:10-13 in Ang Dating Biblia (1905)

10 Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
Mga Awit 94 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 94:10-13 in Banal na Bibliya

10 Siya na dumidisiplina ng mga bansa, hindi ba niya tinatama? Siya ang nagbigay ng kaalaman sa tao.
11 Alam ni Yahweh ang isipan ng mga tao, na sila ay masama.
12 Pinagpala siya na iyong tinuruan, Yahweh, siya na tinuruan mo mula sa iyong batas.
13 Binigyan mo siya ng kapahingahan sa oras ng kaguluhan hanggang ang isang hukay ang binungkal para sa masasama.
Mga Awit 94 in Banal na Bibliya