Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 94:1-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 94:1-8 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3 Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
7 At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
Mga Awit 94 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 94:1-8 in Banal na Bibliya

1 Yahweh, ang Diyos na naghihiganti, magliwanag ka sa amin.
2 Bumangon ka, hukom ng mundo, ibigay mo sa mapagmalaki kung ano ang nararapat sa kanila.
3 Yahweh, gaano magtatagal ang kasamaan, gaano magtatagal ang kaligayahan ng masasama?
4 Nagbubuhos sila ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat.
5 Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.
6 Pinapatay nila ang balo at ang dayuhan, at pinapaslang nila ang mga ulila.
7 Sinasabi nila, “Hindi makikita ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito.”
8 Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
Mga Awit 94 in Banal na Bibliya