1 Ika-apat na aklat. Isang panalangin ni Moises ang lingkod ng Diyos. Panginoon, ikaw ang aming kublihan sa mga nakalipas na mga salinlahi.
2 Bago nahubog ang mga bundok, o hinubog mo ang lupa at ang mundo, hanggang sa habang panahon, ikaw ay Diyos.
3 Binabalik mo sa alabok ang tao, at sinasabi mo, “Bumalik ka, ikaw na lahi ng tao.”
4 Dahil ang isang libong taon ay parang kahapon na lumipas, na tulad ng hudyat sa gabi.
5 Tinatangay mo sila tulad ng baha at nakakatulog sila; sa umaga ay tulad sila ng sumisibol na damo.
6 Sa umaga ito ay namumulaklak at tumutubo; sa gabi ito ay nalalanta at natutuyot.
7 Tunay nga na nilalamon kami ng iyong galit, at sa iyong poot kami ay lubhang natatakot.
8 Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya.
9 Lumilipas ang aming buhay sa ilalim ng iyong poot; ang aming mga taon ay madaling lumilipas na tulad ng buntong-hininga.
10 Ang aming mga taon ay pitumpu, walumpu kung kami ay malusog; pero kahit na ang aming pinakamainam na taon ay may suliranin at kapighatian. Oo, mabilis itong lumilipas, at tinatangay kami palayo.
11 Sino ang nakakaalam ng tindi ng iyong galit; ang poot mo na katumbas sa takot na dinudulot nito?