Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 89:48-52 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 89:48-52 in Ang Dating Biblia (1905)

48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.
Mga Awit 89 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 89:48-52 in Banal na Bibliya

48 Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol? Selah
49 Panginoon, nasaan na ang dati mong mga gawain ng katapatan sa tipan na pinangako mo kay David sa iyong katotohanan?
50 Alalahanin mo, Panginoon, ang pangungutya sa iyong mga lingkod at kung paano ko kinikimkim sa aking puso ang napakaraming panlalait mula sa mga bansa.
51 Nagbabato ng panlalait ang mga kaaway mo, Yahweh; kinukutya nila ang mga hakbangin ng iyong hinirang.
52 Pagpalain nawa si Yahweh magpakailanman. Amen at Amen.
Mga Awit 89 in Banal na Bibliya