Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 89:38-45 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 89:38-45 in Ang Dating Biblia (1905)

38 Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
Mga Awit 89 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 89:38-45 in Banal na Bibliya

38 Pero itinanggi mo at itinakwil; nagalit ka sa iyong hinirang na hari.
39 Tinalikuran mo ang tipan ng iyong lingkod. Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa.
40 Giniba mo ang lahat ng kaniyang mga pader. Sinira mo ang kaniyang mga tanggulan.
41 Ninakawan siya ng lahat ng dumaan sa kaniya. Siya ay naging kasuklam-suklam sa mga kapitbahay niya.
42 Itinaas mo ang kanang kamay ng mga kaaway niya; pinasaya mo ang lahat ng mga kaaway niya.
43 Binaliktad mo ang dulo ng kaniyang espada at hindi mo siya pinagtatagumpay kapag nasa labanan.
44 Tinapos mo ang kaniyang karangyaan; giniba mo ang kaniyang trono.
45 Pinaikli mo ang araw ng kaniyang kabataan. Binihisan mo siya ng kahihiyan. Selah
Mga Awit 89 in Banal na Bibliya