Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 89:37-39 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 89:37-39 in Ang Dating Biblia (1905)

37 Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah)
38 Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
Mga Awit 89 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 89:37-39 in Banal na Bibliya

37 Magiging matatag ito magpakailanman katulad ng buwan, ang tapat na saksi sa kalangitan.” Selah
38 Pero itinanggi mo at itinakwil; nagalit ka sa iyong hinirang na hari.
39 Tinalikuran mo ang tipan ng iyong lingkod. Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa.
Mga Awit 89 in Banal na Bibliya