Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 89:1-6 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 89:1-6 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
2 Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
3 Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod;
4 Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah)
5 At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal.
6 Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
Mga Awit 89 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 89:1-6 in Banal na Bibliya

1 Magpakailanman kong aawitin ang mga ginawa ni Yahweh sa kaniyang katapatan sa tipan. Ihahayag ko sa mga susunod na salinlahi ang iyong pagiging totoo.
2 Dahil aking sinabi, “Ang katapatan sa tipan ay naitatag magpakailanman; itinatag mo ang iyong pagkamatapat sa kalangitan.”
3 “Nakipagtipan ako sa aking pinili, nangako ako sa aking lingkod na si David.
4 Itataguyod ko ang iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman, at itataguyod ko ang iyong trono sa bawat salinlahi.” Selah
5 Pinupuri ng kalangitan ang iyong kamanghaan, Yahweh; ang iyong pagiging totoo ay pinupuri sa pagtitipon ng mga banal.
6 Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Yahweh? Sino sa mga anak ng mga diyos ang katulad ni Yahweh?
Mga Awit 89 in Banal na Bibliya