Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 86:3-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 86:3-7 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako.
Mga Awit 86 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 86:3-7 in Banal na Bibliya

3 Maawa ka sa akin, Panginoon, dahil ako ay tumatawag sa iyo buong araw.
4 Pasayahin mo ang iyong lingkod, dahil sa iyo, Panginoon, ako nagdarasal.
5 Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo.
6 Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo.
7 Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.
Mga Awit 86 in Banal na Bibliya