Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 85:2-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 85:2-5 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3 Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4 Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5 Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Mga Awit 85 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 85:2-5 in Banal na Bibliya

2 Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. Selah
3 Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
4 Panumbalik mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, at bitawan ang iyong inis sa amin.
5 Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Mananatili ka bang galit hanggang sa mga salinlahi sa hinaharap?
Mga Awit 85 in Banal na Bibliya