Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 84:3-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 84:3-8 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko.
4 Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay: kanilang pupurihin kang palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin: pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
Mga Awit 84 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 84:3-8 in Banal na Bibliya

3 Kahit ang maya ay nakahanap ng isang tirahan para sa kaniya na maging ang pugad ng inakay ng layang-layang ay malapit sa inyong mga altar, Yahweh ng mga hukbo, aking Hari, at aking Diyos.
4 Pinagpala mo sila na nakatira sa inyong tahanan; patuloy ka nilang pinupuri. Selah
5 Pinagpala ang tao na ang lakas ay nasa iyo, na ang puso ay mga daanan papunta sa Sion.
6 Sa pagdaan sa lambak ng Pag-iyak, nakahanap sila ng bukal ng tubig para inumin. Ang mga maagang ulan ay tinatakpan ito ng maraming tubig.
7 Sila ay naglalakbay mula sa kalakasan patungo sa kalakasan; ang bawat isa sa kanila ay humaharap sa Diyos sa Sion.
8 Yahweh ang Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang aking panalangin; Diyos ni Jacob, pakinggan mo ang aking sinasabi! Selah
Mga Awit 84 in Banal na Bibliya