Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 82:1-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 82:1-7 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)
3 Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
4 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
5 Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
6 Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
7 Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Mga Awit 82 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 82:1-7 in Banal na Bibliya

1 Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.
2 Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? Selah
3 Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
4 Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo sila sa kamay ng masasama.
5 Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy sila sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.
6 Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
7 Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
Mga Awit 82 in Banal na Bibliya