Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 80:4-13 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 80:4-13 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
5 Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
6 Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
7 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
8 Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
9 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog.
12 Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
Mga Awit 80 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 80:4-13 in Banal na Bibliya

4 Yahweh Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magagalit sa iyong bayan kapag sila ay nananalangin?
5 Pinakain mo sila ng tinapay ng luha at binigyan sila ng napakaraming luha para mainom.
6 Ginagawan mo kami ng bagay para pagtalunan kami ng aming kapwa, at pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.
7 Diyos ng mga hukbo, panumbalikin mo kami; pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin, at kami ay maliligtas.
8 Nagdala ka ng puno ng ubas mula sa Egipto; pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito sa ibang lugar.
9 Nilinis mo ang lupain para dito; nag-ugat ito at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim nito, ang pinakamataas na mga puno ng sedar ng Diyos sa mga sanga nito.
11 Umaabot ang mga sanga nito hanggang sa dagat at mga usbong nito hanggang sa Ilog Eufrates.
12 Bakit mo winasak ang mga pader nito para ang lahat ng dumaraan ay pipitas ng bunga nito?
13 Sinisira ito ng mga baboy-ramong nasa gubat, at kinakain ito ng mga halimaw sa bukid.
Mga Awit 80 in Banal na Bibliya