Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 80:11-16 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 80:11-16 in Ang Dating Biblia (1905)

11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog.
12 Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
Mga Awit 80 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 80:11-16 in Banal na Bibliya

11 Umaabot ang mga sanga nito hanggang sa dagat at mga usbong nito hanggang sa Ilog Eufrates.
12 Bakit mo winasak ang mga pader nito para ang lahat ng dumaraan ay pipitas ng bunga nito?
13 Sinisira ito ng mga baboy-ramong nasa gubat, at kinakain ito ng mga halimaw sa bukid.
14 Bumalik ka, Diyos ng mga hukbo; pagmasdan mo mula sa langit at pansinin at alagaan ang puno ng ubas na ito.
15 Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo
16 Ito ay sinunog at pinutol; nawa mapuksa ang iyong mga kaaway dahil sa iyong pagsaway.
Mga Awit 80 in Banal na Bibliya