Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 80:1-2 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 80:1-2 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
2 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami.
Mga Awit 80 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 80:1-2 in Banal na Bibliya

1 Bigyang pansin mo, Pastol ng Israel, ikaw na nangunguna kay Jose tulad ng isang kawan; ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, magliwanag ka sa amin!
2 Sa paningin ni Efraim at Benjamin at Manases, palakasin mo ang iyong kapangyarihan; lumapit ka at iligtas kami.
Mga Awit 80 in Banal na Bibliya