Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 78:7-10 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 78:7-10 in Ang Dating Biblia (1905)

7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
Mga Awit 78 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 78:7-10 in Banal na Bibliya

7 Pagkatapos, ilalagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos at hindi kalilimutan ang mga ginawa niya pero susundin ang kaniyang mga kautusan.
8 Pagkatapos, hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi, salinlahi na hindi tama ang mga puso, at hindi mapagkakatiwalaan at hindi tapat sa Diyos.
9 Ang mga taga-Efraim ay armado ng mga pana, pero umatras sila sa araw ng labanan.
10 Hindi nila iningatan ang tipan sa Diyos, at tumanggi silang sumunod sa kaniyang batas.
Mga Awit 78 in Banal na Bibliya