Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 78:41-44 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 78:41-44 in Ang Dating Biblia (1905)

41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
Mga Awit 78 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 78:41-44 in Banal na Bibliya

41 Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos at sinaktan ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inisip ang kaniyang kapangyarihan, kung paano niya sila niligtas mula sa mga kalaban
43 nang ipinakita niya ang nakasisindak na mga tanda sa Ehipto at kababalaghan niya sa rehiyon ng Soan.
44 Ginawa niyang dugo ang mga ilog ng Ehipto para hindi sila makainom mula sa kanilang mga batis.
Mga Awit 78 in Banal na Bibliya