Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 78:38-56 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 78:38-56 in Ang Dating Biblia (1905)

38 Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.
47 Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
Mga Awit 78 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 78:38-56 in Banal na Bibliya

38 Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi sila winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.
39 Inalala niya na sila ay gawa sa laman, isang hangin na umiihip at hindi na bumalik.
40 Napakadalas nilang nagrebelde laban sa kaniya sa ilang at pinagdalamhati siya sa tigang na mga rehiyon!
41 Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos at sinaktan ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inisip ang kaniyang kapangyarihan, kung paano niya sila niligtas mula sa mga kalaban
43 nang ipinakita niya ang nakasisindak na mga tanda sa Ehipto at kababalaghan niya sa rehiyon ng Soan.
44 Ginawa niyang dugo ang mga ilog ng Ehipto para hindi sila makainom mula sa kanilang mga batis.
45 Nagpadala siya ng kulupon ng mga langaw na lumamon sa kanila at mga palaka na kumalat sa kanilang lupain.
46 Binigay niya ang kanilang mga pananim sa mga tipaklong at ang trabaho nila sa mga balang.
47 Winasak niya ang kanilang mga taniman gamit ang yelo at ang kanilang mga punong sikamore ng mas maraming pang yelo.
48 Nagpaulan siya ng yelo sa kanilang mga baka at naghagis ng mga kidlat sa kanilang mga baka.
49 Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila. Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna.
50 Itinaas niya ang landas ng kaniyang galit; hindi niya sila niligtas mula sa kamatayan pero ibinigay niya sila sa salot.
51 Pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto, ang panganay ng kanilang lakas sa mga tolda ni Ham.
52 Inakay niya ang sarili niyang bayan gaya ng tupa at ginabayan sila mula sa ilang gaya ng isang kawan.
53 Inakay niya sila nang may kapanatagan at walang takot, pero nagapi ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 Pagkatapos, dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang banal na lupain, sa kaniyang bundok na nakuha ng kaniyang kanang kamay.
55 Tinaboy niya ang mga bansa sa kanilang mga harapan at itinalaga sila sa kanilang pamana; pinatira niya ang mga tribu ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Pero hinamon at sumuway sila sa Kataas-taasang Diyos at hindi sinunod ang kaniyang banal na mga kautusan.
Mga Awit 78 in Banal na Bibliya