Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 77:3-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 77:3-7 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.
6 Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?
Mga Awit 77 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 77:3-7 in Banal na Bibliya

3 Inisip ko ang Diyos habang naghihinagpis ako; inisip ko siya habang nanghihina ako. Selah
4 Binuksan mo ang aking mga mata; labis akong nabahala para magsalita.
5 Iniisip ko ang nakaraan, tungkol sa mga panahong matagal nang nakalipas.
6 Sa kahabaan ng gabi inaalala ko ang awit na minsan kong inawit. Nag-isip akong mabuti at sinubukang unawain ang nangyari.
7 Tatanggihan ba ako ng Panginoon habang buhay? Hindi na ba niya muli ipakikita ang kaniyang tulong?
Mga Awit 77 in Banal na Bibliya