Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 76:2-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 76:2-8 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo, at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3 Doo'y binali niya ang mga pana ng busog; at kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4 Maluwalhati ka at marilag, mula sa mga bundok na hulihan.
5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman, sila'y nangatulog ng kanilang pagtulog; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6 Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob, ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7 Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Mga Awit 76 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 76:2-8 in Banal na Bibliya

2 Ang kaniyang tolda ay nasa Salem; ang kaniyang pinananahanan ay nasa Sion.
3 Doon, sinira ang mga palaso ng pana, ang kalasag, ang espada, at ang ibang mga sandata sa labanan. Selah
4 Kumikinang ka at ipinakita mo ang inyong kaluwalhatian, habang bumababa ka mula sa mga bundok, kung saan pinatay mo ang iyong mga biktima.
5 Ang mga matatapang ay nanakawan; nakatulog sila. Lahat ng mga mandirigma ay walang nagawa.
6 Sa iyong pagsaway, Diyos ni Jacob, parehong nakatulog ang kabayo at ang sakay nito.
7 Totoong ikaw nga ay dapat katakutan; sino ang makakatagal sa iyong paningin kapag ikaw ay nagalit?
8 Ang iyong paghatol ay nagmula sa langit; ang mundo ay takot at tahimik.
Mga Awit 76 in Banal na Bibliya