Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 75:1-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 75:1-7 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid.
3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)
4 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo.
6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.
7 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
Mga Awit 75 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 75:1-7 in Banal na Bibliya

1 O Diyos, kami ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo; nagpapasalamat kami sa iyo dahil ipinakita mo ang iyong presensya; sinasabi ng mga tao ang iyong kahanga-hangang mga gawa.
2 Sa takdang panahon, hahatol ako ng patas.
3 Kahit na ang mundo at lahat ng mga naninirahan ay nanginginig sa takot, papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig. Selah
4 Sinabi ko sa mga arogante, “Huwag kayong maging mayabang,” at sa masasama, “Huwag kayong magtiwala sa tagumpay.
5 Huwag magpakasiguro na magtatagumpay kayo; huwag kayong taas-noong magsalita.
6 Hindi dumarating ang tagumpay mula sa silangan, mula sa kanluran, o mula sa ilang.
7 Pero ang Diyos ang hukom; binababa niya ang isa at itinataas ang iba.
Mga Awit 75 in Banal na Bibliya