Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 73:4-21 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 73:4-21 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag.
5 Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
6 Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
8 Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan.
9 Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10 Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11 At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12 Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13 Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14 Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.
15 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;
17 Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas,
18 Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20 Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako:
Mga Awit 73 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 73:4-21 in Banal na Bibliya

4 Dahil wala silang sakit hanggang sa kanilang kamatayan, kundi sila ay malakas at nakakakain nang mabuti.
5 Malaya sila mula sa mga pasanin tulad ng ibang mga tao; hindi sila nahihirapan katulad ng ibang mga tao.
6 Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan sila ng karahasan tulad ng balabal.
7 Mula sa ganoong pagkabulag nagmumula ang kasalanan; ang masamang mga kaisipan ay tumatagos sa kanilang mga puso.
8 Nangungutya silang nagsasabi ng mga masasamang bagay; nagmamalaki silang nagbabanta ng karahasan.
9 Nagsasalita sila laban sa kalangitan, at ang kanilang mga dila ay gumagala sa daigdig.
10 Kaya, ang bayan ng Diyos ay nakikinig sa kanila at ninanamnam ang kanilang mga salita.
11 Sinasabi nila, “Paano nalalaman ng Diyos? Alam ba ng Diyos kung ano ang nangyayari?”
12 Pansinin ninyo: ang mga taong ito ay masama; wala silang inaalala, lalo pa silang nagiging mayaman.
13 Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.
14 Dahil buong araw akong pinahirapan at dinisiplina bawat umaga.
15 Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak.
16 Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.
17 Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.
18 Sadyang inilalagay mo sila sa madudulas na mga lugar; dinadala mo sila sa pagkawasak.
19 Paano sila naging disyerto sa isang iglap! Sumapit sila sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
20 Katulad sila ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.
21 Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.
Mga Awit 73 in Banal na Bibliya