Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 72:16-17 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 72:16-17 in Ang Dating Biblia (1905)

16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok; ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano: at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw: at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
Mga Awit 72 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 72:16-17 in Banal na Bibliya

16 Magkaroon nawa ng kasaganahan ng binhi sa tuktok ng mga kabundukan ng mundo; kumampay nawa sa hangin ang kanilang mga ani tulad ng mga puno sa Lebanon, at ang mga tao sa mga lungsod ay dumami gaya ng mga damo sa lupa.
17 Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
Mga Awit 72 in Banal na Bibliya