Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 70:3-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 70:3-5 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha.
4 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios.
5 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
Mga Awit 70 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 70:3-5 in Banal na Bibliya

3 Hayaan mo silang tumalikod dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi ng, “Aha, aha.”
4 Hayaan mong ang mga iyon na naghahanap sa inyo ay matuwa at magalak sa inyo; hayaan mong ang mga umiibig sa iyong kaligtasan na sabihin lagi, “Purihin nawa ang Diyos.”
5 Pero ako ay mahirap at nangangailangan; magmadali ka sa akin, O Diyos; ikaw ang tutulong at sasagip sa akin. Yahweh, huwag kang maantala.
Mga Awit 70 in Banal na Bibliya