Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 6:1-4 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 6:1-4 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
Mga Awit 6 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 6:1-4 in Banal na Bibliya

1 Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit o ituwid sa iyong poot.
2 Maawa ka sa akin, Yahweh, dahil mahina ako; pagalingin mo ako, Yahweh, dahil nanginginig ang aking mga buto.
3 Labis ding nababagabag ang aking kaluluwa. Pero ikaw, Yahweh—hanggang kailan ito magpapatuloy?
4 Bumalik ka, Yahweh! Sagipin mo ako. Iligtas mo ako dahil sa iyong katapatan sa tipan!
Mga Awit 6 in Banal na Bibliya